November 21, 2019

Pag pababa sa iyong profile, nakita ko ang litrato

Pag Sumamo

Isinulat ni: Yael Conti

We Will Write a Custom Essay Specifically
For You For Only $13.90/page!


order now

 

May mga oras na nais kang
lapaitan, upang makausap ng masinsinan. Nais iparating sayo kung gaano ka
pinag-uulilaan. Ngunit wala akong magagawa, kundi hintayin ang oras hangga’t
pumatak ito ng alas tres y medya. At kung nag gym ka, alas sais y medya. ‘Yang pag g-gym mo, tigilan mo na. Tanggap naman kita kung sino ka man.
Ngunit, ‘di rin naman kita mapipigilan dahil iyon ang nais mong gawin para
makontento. Mahal, ‘di kita pipigilan. Katulad ng pag “limot”  mo sa kaniya. Kahit
naman sabihin mo na nasa nakaraan na ‘yon, alam ko naman ‘di mag babago bulong
ng puso mo. Subalit, uulitin ko muli, ‘di kita mapipigilan. Dahil masaya
naman ako kung masaya ka. Kahit pa sa piling ng iba.

 

May mga pagkakataon na gusto
ko sabihin sayo ang mga tunay na nararamdaman. Kaso ako ay takot na baka
baliwalain mo lang ang lahat ng ito. At natatakot ako na baka ako ay mag
mumukhang nagloloko. Ayoko isipin mo rin na minamadali kita, ngunit mahal,
natatawa nalang ako dahil di ko alam kung paano ilugar ang sarili ko sa
sitwasyon natin.

 

At may mga hapon, pag ako’y
mag isa, nakagawiang kong i-tangkay ang iyong Facebook sa walang partikular na dahilan. Habang nag-scroll pababa
sa iyong profile, nakita ko ang litrato niyong dalwa ng iyong dating minamahal
– ngunit alam ko naman na malamang, mahal
mo pa rin siya – at sunod-sunod ang mga litrato niyo. Hindi ko alam kung
paano tumugon sa mga nakikita ko, pero ang tanging alam ko lang ay, nasasaktan
ako.

 

Oo, Nakakatawang isispin na
ako’y nasasaktan sa taong ‘di ko naman pag mamayari. Sa taong, kalian man ay
‘di naging akin. Pero may karapatan naman akong masaktan diba? Kaya, mahal, pag
bigyan mo na. Sapagkat ako ay parang isang mansanas sa isang puno na malapit na
bumitaw sa kanyang sanga. At tila onting ihip lang ng hangin ay bibitaw na.
Mahal ko, Ikaw yung hangin. Ikaw ang iihip sa akin at pag ako’y nahulog, wala
ka doon para ako ay saluhin.

 

O, paano bayan, naka lipas
na ang alas tres y medya, wala ka parin. Nasan ka na? Umuwi ka na.

 

x

Hi!
I'm Allison!

Would you like to get a custom essay? How about receiving a customized one?

Check it out